Hay
Ang buhay nga naman o
Minsan masaya
Minsan malungkot
Minsan magulo
May mga araw na parang wala lang
May mga araw namang napupuno ng problema
Ganun na nga siguro talaga ang formula ng life
Problem today solve tommorow
another problem the next day
Solve the next, next day.
Wherefore, kapag normal ang buhay
di nauubusan ng problema
di rin naman nawawalan ng solusyon
Minsan nga lang
May mga sagot sa problema na tila kay bagal dumating
umaabot ng isang taon, sampung taon, mas matagal.
Ako
alam ko na ganun talaga
ngunit mas madalas pa rin sa minsan
na kapag nagsisidatingan ang mga problema ko sa buhay
umaabot pa rin sa puntong
Nalalabuan din ako sa mga sagot
Iyon bang mga pagkakataong
Tila wala ng pag-asa pang makahanap ng solusyon sa mga dagok sa buhay
At tila kay kitid ng madilim na daan patungo sa liwanag.
Normal din sa tao ang umiiyak
kapag may problema.
Tumatawa
kapag masaya.
Nagagalit
kapag nauubusan ng pasensiya.
Natutunan ko rin ang tatlong klase ng problema
Una: Yaong mga problemang may agad-agarang solusyon
Pangalawa: Yaong mga problemang hahanapan ng solusyon
Pangatlo: Yaong mga problemang basta na lang dumadating ang solusyon ng hindi mo namalayan
Anu't anupaman ang problema
Isa lang ang alam kong sagot
Taimtim na dalangin at tiwala sa Diyos na Maykapal.
31 March 2011
29 March 2011
My Most Admired Corrupt Strategies in the Coop World
Charuz!
Ang bongga lang ng Blog title ko.
[Haha!]
Ilang taon na rin akong nakikipagbunuan, nakikipagsapalaran, nabubuhay, nakikibaka sa mundo ng kooperatiba (Char. Im presently working in an MPC)
Dito, maraming first time sa buhay ko
First time ko makapagtrabaho
First time ko pumuntang Cebu, Bohol, Camiguin, Cagayan, Gensan
First time ko napromote
First time ko napaiyak dahil first time napagalitan ng boss
First time ko nag-under time dahil may date kami ng bf ko [hubby ko na]
First time ko sumakay ng eroplano
First time ko magdisco
First time ko mag joy ride mula alas kuwatro ng hapon hanggang madaling araw
Etc. first time
Sa mga taong inilalagi ko dito,
marami-rami na rin akong natutunan.
Syempre
ang MISSION, VISION, GOAL
CORE VALUES
CUSTOMER RELATIONS
GOOD GOVERNANCE
Naging saksi rin ako sa mga taong dumanas ng krisis, mga problema, pagsubok at kung anu pang ka-ek-ekan
Higit sa lahat
naging saksi rin ako sa iilang mga hindi kanais-nais na mga pangyayaring madalas ay karanasan din ng ibang organisasyon
In other word: Corruption
Ilang halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
1. Nepotism
Direktor si Mam, yung anak niya teller, yung pamangkin niya loan processor, yung isang pamangkin pa bookkeeper
2. DOSRI
(Katulad na lang halimbawa ng nangyari kamakailan sa Banco Filipino [Subok na Matibay, Subok na Matatag] ).
Umutang ang isang Direktor, 5 million, yung isa pa, 5 million ulit, yung isa naman dahil may dalawang ektaryang niyugan, 10million, si Manager, 1 million lang muna, si Treasurer, 2 million, si clerk 1 5hundred thousand, si clerk 2 5hundred thousand din.
3. Accounting is an art
Maliit ang net surplus, lagot sa General membership yan. Cge, adjust ko na lang. Yung 10M netsurplus, doblehin ko na lang. Madali lang yan. Yung excess, paghahatian na. Ayos!
4. Policy Making
Dapat ganito ang policy natin, paanu na kung ganyan, naku eh hindi yan advantage sa akin. Kung saan tayo makikinabang, doon tayo. Di ba pare. Sige ka, aprub mo yan, hindi na kita iboboto next year.
5. Make use of the unused
Mare, wala ka palang loan eh. Ako na lang ang uutang gamit ang account mo. Huwag kang mag-aalala, malakas ako sa loan section. Sige ka pag di ka papayag, wala kang increase.
6. Promotion or demotion?
Maliit lang honorarium ko bilang officer. Mas malaki sahod ng manager. Out ang manager,in ako. Sayah!
Bato-bato sa langit, ang tamaan kapag galit
ibig sabihin bumisita sila sa site ko!
Sayah!

Oh La La
WCB me!
Teeheehee...
antagal ko kaya nag-update
taon din ang nabilang..este linggo
Anyways, wala namang nagmi-miss sa akin
Parang hindi lang naman sila affected na wala ang aking presence dito
Sino lang ba naman ako eh di ba?
Oo nga't magkasingkulay kami ng eyeliner ni Avril Lavigne
peru hindi naman kami magkasing-sikat... impernes- di ko na xah reach.
Nawala nga pala ako ng iilang linggo kasi naman na-hire akong director ng show
Balak ko na nga sanang magfull-time doon kaso
Parang hindi man lang sila bilib sa effort ko (hehe)
Di nga...
busy month lang naman kasi sa opiz ang March eh
Annual Assembly
Budgeting
Reporting
Election
Thanks God
successful naman ang lahat ng activities.
Congrats to the Full-Forced Committees
Oh la la...

11 March 2011
ALert! Tsunami may hit Philippines
ALert! Tsunami may hit Philippines due to Earthquake just happened fews hours in Japan at 8.9 magnitude.
Alert level 2 to Leyte, Davao Oriental Occidental, Quezon province, Albay, Cagayan, Surigao and all coastal areas.
So I have been trying to contact James. He's currently working in Surigao kacee so I'm checking up on him.
They had been alerted and had already packed up things so just in case (God forbid), they can easily evacuate.
We just hope and pray that nothing bad will happen.
*
*
*
*
*
*
*
*
*
Anyways, I have been to Davao City these past two days with my co-staffs.
Not for fun oi
but to purchase items for the upcoming GA for our org's general members.
But of course, we did have fun along the very-tiring-activity we have.
I managed to camwhore them through thicks and thins. Heeh.
I still have many pics not uploaded. Hmft.

Inside the van.. No space for us to sit on. Wew |
Happy Ryan |
Heeh-- Elvie here-bored to death while we waited for the van to pick us up Sally on her read Macau shirt seemed asleep-heeh- |
Signal on Stop along Monteverde street |
Sally loved to smile on my cam.. |
Jeez, Elvon here fitting on a 'supporter'- |
08 March 2011
Sorpresa
Ang usapan namin ni Homer, magkikita kami sa gabing iyon.
Manonood ng sine,
mamasyal,
at kung hanggang saan kami mapunta.
Bahala na, naisip ko.
Kontodo handa ako. Nagdala pa ako ng extra damit baka ka'ko magyaya si Homer, ang aking nobyo; na sa beach na lang kami magpapa-umaga. Hindi niya ako masundo dahil medyo may kalayuan ang bahay ng pinsan ko kung saan ako nakitira kaya napagkasunduan naming magkikita na lang sa isang lugar.
Ito na yun. Bahala na kung anuman ang mangyayari sa amin, sabi ko sa aking sarili habang nakasakay ng taxi papunta sa pinag-usapan lugar kung saan kami magkikita. Dalawang buwan pa lang na naging kami at inaamin ko, gustong-gusto ko siya. Guwapo kasi, mapagbiro. Yung tipong hindi mo kakasawaang kausap at kasama.
Kaso lang, medyo may pagka-agrresive si Homer. At talagang nahihirapan akong pigilan siya sa bawat pagkakataong magtatangka siya sa akin. Laking probinsiya kasi ako, kaya may pagkakonserbatibo pa rin at hindi pa ako bukas sa pre-marital sex.
Ngunit sa pagkakataong ito, tila ba hindi ko na ininda ang mga values na itinuro sa akin ng aking mga magulang. Handa na ako sa anumang gusto mangyari sa amin ni Homer. Iyon ang nasasaisip ko sa mga oras na iyon. Sabi niya kasi, nakakadagdag iyon ng closeness namin bilang magnobyo.
Dumating ako doon mga diyes minutong late sa oras na pinag-usapan namin. Alas otso ng gabi ang usapan namin. Ayoko kasing maghintay at baka isipin niyang patay na patay ako sa kanya (na sa panahong iyon eh totoo naman). Peru napasimangot ako kasi wala pa siya doon.
Natrapik lang siguro, kaya naupo ako sa isang bench. Malapit lamang iyon sa isang parke kaya nakikita ko mula sa aking kinauupuan ang iilang pares ng mga magnobyo na masayang nagkukuwentuhan at naglalambingan.
Lampas alas-nuwebe na ngunit hindi pa rin siya dumating. Medyo nainip na ako at napapahiya na sa iilang nasa paligid dahil mahigit isang oras na akong nakaupo lang doon.
Shit! Halos ipukpok ko na rin ang aking cellphone dahil sa katangahan ko hindi ko man lang nai-charge at talagang dead battery ito.
Naghintay pa rin ako.
Hanggang alas nuwebe.
Alas diyes.
Naghintay ako hanggang hanggang alas onse. Walang anino ni Homer ang dumating.
Para akong tanga na hindi ko alam kung bakit naghintay pa ako ng ganun ka-tagal.
Kinabahan kasi ako. Sa isip ko, baka kung anong nagyari sa kanya. Lintek naman kasing cellphone na 'to at ngayon pa nagloko. Tumayo na ako at lumakad patungo sa paradahan ng dyip. Uuwi na lang siguro ako.
"Hoy, anong ginagawa mo rito?"
Nagulat ako ng may biglang kumalabit sa akin. Lumingon ako.
"Hi, anong ginagawa mo dito?, wika ng isang lalaki na hindi ko kilala ngunit namumukhaan ko naman. Nakasakay siya sa isang motorbike.
"Ah eh, may hinintay kasi ako eh", sagot ko at iniispatan ang lalaki. Hindi naman siya mukhang masamang tao.
"Si Homer ano?", sabi naman niya at ngumisi.
"Paano mo nalaman na si Homer nga ang hinihintay ko?", taka kong tanong sa kanya.
"Di ba ikaw yong kasama niya doon sa birthday ng pinsan niya noong isang linggo? Andun din ako noon, magkapitbahay kasi kami," sagot ng lalaki.
Ngumiti ako. "Ah, kaya pala namumukhaan kita eh. Siyanga pala, nakita mo ba si Homer? Kanina pa ako naghintay sa kanya eh, may usapan kasi kaming dito magkikita", nahihiya kong sabi.
"Ha? Naku eh ... teka anong oras ba usapan ninyo?", tanong niya ulit.
"Alas otso pa... alas onse na nga eh, hindi pa siya dumating. baka ka'ko may nagyari sa kanyang masama", sabi ko.
"'Nak nang... Walang hiya talaga ang lalaking iyon, may date pala eh. Nakita ko doon sa may tindahan malapit sa amin, eh lasing yata", kakamot-kamot na sabi ng lalaki.
"G-ganun ba..", halos panawan ako ng ulirat ng marinig ko ang sinabi ng lalaki. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at gusto ko ng kaninin na lang ng lupa sa hiya. Hindi ko na hinintay ang sagot ng lalaki at lumakad na ako.
"Sandali lang, miss," habol sa akin ng lalaki at pinapatakbo ang kanyang motorsiklo. "Saan ka ba uuwi? Ihahatid na lang kita."
"Huwag na", magdyi-dyip na lang ako. "Salamat na lang."
Tumulin na ang lakad ko. Halos kumaripas na ako ng takbo habang nag-uunahan naman ang pagdaloy ng aking luha. Hiyang-hiya ako. Narating ko din ang paradahan ng dyip at sa pagkadismaya, wala ng ni-isang dyip ang nakaparada doon.
"Miss.."
Palingon ko, naroon ulit ang lalaki. Di ko namalayan, nakasunod pala siya sa akin.
"Bakit?", pasinghal kong tanong sa kanya habang nagpapahid ng luha. Hiyang-hiya kasi ako sa sarili ko, at pati na rin sa lalaking kausap ko. Baka iniisip niya, ang landi-landi ko at nag-effort talaga akong makipagkita sa boypren ko na hindi naman ako sinipot at sa halip ay nakikipag-inuman lang sa mga barkada nito.
"Eh wala na kasing pumapasadang dyip dito eh, alas-onse kasi ang cut-off ng biyahe dito. Mamayang alas tres ng umaga pa ang susunod na pasada", sabi ng lalaki.
Hindi ako kumibo. Maya-maya, umiyak na lang ako. Humagulhol. Gusto ko na talagang magpatiwakal dahil sa kahihiyan.
"Halika ka, miss. Hindi naman ako masamang tao eh. Mukha kasing uulan eh. Kung gusto mo, Sumama ka na lang sa akin, ihahatid kita kina Homer", sabi ng lalaki na hindi ko napansing nakababa na pala ng motorsiklo at nasa may harapan ko na.
"Naku huwag, hindi ko na gustong makita ang pagmumukha ng lalaking iyon", inis kong sabi.
"Okay miss pero pwede bang sumama ka na lang sa akin..doon tayo sa medyo safety na lugar. Baka kasi may magawi pa ditong mga adik eh, hindi naman kita pwedeng iwan na lang dito baka kung ano pang mangyari sa'yo", medyo nairita na rin sabi ng lalaki.
Sumakay na rin lang ako sa motorsiklo niya. Ilang sandali pa, umuulan na. Buti na lang at nakasilong kami sa isang kubo sa tabi ng daan malapit sa may police station kaya hindi ako masyadong nabahala. Tingin ko naman sa lalaki eh mabait naman.
Naupo ako sa isang tabi at umiyak. Naupo na rin ang lalaki di kalayuan sa tabi ko at nakatingin lang. Hindi ko na iniintindi kung anuman ang iniisip niya sa akin. Patuloy akong humahagulhol. Napatingin ako sa aking relos. Lampas alas dose na. Iilang oras pa bago ako makakauwi base na rin sa sinabi ng lalaki na alas tres pa ng umaga may mamasadang dyip. Tumigil na rin ako. Hindi naman kasi talaga ako nasaktan na hindi ako sinipot ni Homer. Ang iniiyakan ko ay ang kahihiyan sa kalandian ko na parang ako tangang naghahabol sa isang lalaking wala naman pagpapahalaga sa akin.
"Salamat ha", maya-maya sabi ko.
"Okay lang yon. Wag mo ng intindihin," sagot naman niya.
"Kakahiya talaga sa'yo, nadamay ka pa. Baka hinintay ka na ng misis mo", sabi ko.
"Naku binata pa ako oy", ngisi niya na tila naaaliw.
Ngumiti na rin ako. "Ako nga pala si Lanie. Ikaw?"
"Emz. Magkapitbahay kami ni Homer. Magkatapat lang kami ng bahay".
"Pasensiya ka na talaga Emz ha. Nakakahiya talaga sa'yo. Sana huwag mo na rin ipagsasabi sa iba nangyari sa akin hah.. kakahiya kasi eh," sabi ko.
"Walang problema. Huwag mo ng intindihin. Saka baka nakalimutan lang ni Homer, baka nayaya ng barkada at di makatanggi kaya ayun nalasing", sabi niya.
"Nga eh. Wala namang pagpapahalaga sa akin ang taong yon. Kita mo naman, pinaghintay ako sa wala. Hahaha, naku ang tanga ko talaga", sabi ko habang bahagyang tumawa.
"Mahal mo ba siya?", maya-maya tanong ni Emz.
Napatingin ako sa kanya. Medyo may kadiliman kasi ang kubo dahil walang ilaw at tanging ang malamlam na liwanang ng poste sa may di kalayuan ang nagsisilbing ilaw doon. Naghanap ako ng masasagot sa tanong niya. Nangapa ako. Wala akong maisip.
"Hindi siguro", mahinang sagot ko. Tapos humahalakhak. "Naku, hindi ko nga naman pala siya mahal eh. Alam mo yun, crush lang siguro. Saka boring kasi buhay ko kaya medyo nakafocus ako kay Homer. " Lumakas ang tawa ko.
Napakamot ng ulo si Emz. Nagtaka siguro sa biglang pagbago ng mood ko. Naisip na nga yata niya na may topak ako at nasisiraan na ng bait.
"Pasensiya ka na ulit Emz. Masaya lang ako. Kasi, alam mo kung sinipot kasi ako ni Homer, baka may nangyari na sa amin. Naku, wala namang kuwenta ang lalaking iyon eh, di ba. Buti na lang, hindi siya sumipot. Thanks God!", tuwa kong sabi. "Salamat ulit ha."
Nakitawa na rin siya. Maya-maya nagkukuwentuhan na rin kami na parang walang nangyari. Kung anu-ano na lang ang pinag-uusapan namin. Sinipat ko ulit ang oras. Mag-aalas tres na pala.
"May dyip na siguro sa ngayon. Uuwi na ako.", sabi ko sa kanya.
"Mamaya ng konti pa. Wala pang pasahero ngayon," sabi niya saka medyo lumapit sa akin.
Naman, isip ko. Magte-take advantage pa yata ang mokong na ito eh.
"Kayo pa rin ba ni Homer niyan?", tanong niya.
Umiling ako. "Di na noh, kapal niya lang. Saka uuwi na ako ng probinsiya bukas eh. Bahala na siya sa buhay niya."
"Eh di loveless ka na niyan," may himig kantiyaw na sa bi niya.
"Okay lang yon. Buti nga ang ganun para walang heart ache eh, di ba," ngisi ko sa kanya.
"'Lam mo, ang cute mo," sabi ni Emz habang tinitingnan ako. hindi ko naman masyadong maispatan ang mukha niya dahil medyo madilim.
"Dati ko ng alam yon, oy!", biro ko. Parang hindi ako dumanas ng heart ache ilang oras ang nakaraan at kinilig ang puso ko sa sinabi niya.
"Ano kaya kung tayo na lang ang magboypren. Kalimutan mo na si Homer, wala namang kuwentang lalaki yon eh, lasenggo pa. Wala kang future dun," sabi niya. Hindi ko naman mawari kung seryoso o biro lang. Ngunit pilit kung inisip na biro lang dahil nakangiti naman siya.
"Gusto mo?", ganting biro ko sa kanya.
"Sige. From now on, tayo na ha," sabi niya habang itinuwid ang isang kamay papunta sa likod ko at umakbay. "Pahingi ng cellphone number mo."
"Okay. Asan na cellphone mo, at ipo-phonebook ko", wika ko at inilahad ang isang kamay.
"Isulat mo na lang sa papel kung pwede, Wala akong dalang celfon eh", sabi niya. Dahil lage naman akong may dalang notepad at bolpen kaya naibigay ko sa kanya cellphone number ko.
Ilang saglit pa, kinalabit niya ako. "Bakit?", takang tanong ko.
"Eh diba magboypren na tayo ngayon?", wika niya.
"O tapos?"
Humigpit akbay niya sa akin. "Pwedeng pa-kiss?"
Tumawa ako. "Ambilis mo naman!."
"Ganun talaga yun, Sige na please," sabi niya at pinamumungayan pa ako ng mata.
God, ano ba itong napasok ko. Tiningnan ko siya ulit.
"Sige, sa pisngi lang, okay lang ba?," ka'ko.
"Okay", saka hinalikan niya agad ako sa pisngi. Hindi naman niya inilayo ang mukha niya sa may pisngi ko kaya nung lingunin ko siya upang tingnan ay saktong lumapat yong labi niya sa labi ko. Bigla, hinalikan niya ako sa lips.
Itinulak ko siya ngunit parang respetong tulak lang dahil wala namang lakas. Saglit lang yon, mga iilang segundo lang siguro at binitawan na rin niya ako.
"Halika na, ihahatid na kita sa paradahan ng dyip," sabi niya sabay tayo.
Nakauwi din ako sa bahay ng aking pinsan at umuwi na ng probinsiya nung sumunod na araw. Nagtext si Homer nung nasa bus na ako pauwi. Humingi ng sorry. Pinatawad ko naman pero ka'ko kalimutan na lang niya ako. Matatagalan na rin kasi bago ako makabalik uli ng siyudad. Hindi rin nagtext si Emz pagkatapos ng araw na iyon. Kahit isang beses. Napangiti na lang ako kapag naiisip ko ang mga kalokohan ko.
Saktong isang buwan buhat nung hindi ako sinipot ni Homer, may biglang tumawag sa akin. Hindi nakaphonebook sa cellphone ko kaya medyo nagtaka ako.
"Hello, sino to?", bati ko sa caller.
"Hi...", sabi naman ng nasa kabilang linya. Lalaki. Hindi ko kilala.
"Yup. Sino po ito?," tanong ko.
"Si Emz ito, tatandaan mo pa ba?," sagot ng caller.
Napakunot noo ako. "Yup? ", sabi ko na medyo naiinis na di ko alam kung bakit.
"Happy first monthsary! Muah!", sabi niya. "Miss you."
"Anong monthsary?," sabi ko.
"Kalimutan mo na ba? Di ba naging tayo saktong isang buwan ngayon?," sagot naman niya. "Di mo ba ako namiss?"
Napangiwi ako. "Naman. Eh tayo pala, bakit ngayon ka lang nagparamdam?", nakapamewang pa ko ng sinabi yon kahit di niya naman ako nakikita.
"Pasensiya ka na ha. Peru di bale, tinawagan naman kita ngayon eh, di ba?", malambing ang boses na sabi niya.
"Naku, ewan ko, nakalimutan ko na. Salamat na lang sa tawag. sige ha, busy ako eh. Bye," saka pinindot ang end call. Nanghinayang naman ako at ginawa ko yon. Di bale, pag tatawag ulit. Naghintay ako, ngunit hindi na ulit nag-ring ang celfon ko. Try ko i-misscall number niya ngunit cannot be reach na.
Hindi na rin siya tumawag.
Hangga't lumipas na ulit ang isang buwan.Tumawag ulit siya. Ganun pa rin. Greet niya ako nga 'Happy monthsary'. Sa pagkakataong yon, di ko na siya binabaan ng fone. Mag-iisang oras din kaming nagkukuwentuhan.
Ganoon palagi ang nangyayari. Siya ang tumatawag sa akin kapag sumapit ang monthsary namin. Hindi ko siya makontak kahit kailan, laging out of coverage ang number niya. Noong una, hindi ko lang pinapansin. Kalaunan, naiinip na rin ako. Saka naisip ko, baka naman may asawa ang taong iyon at pinagloloko lang ako.
Anim na buwan din ganoon ang set-up namin. Hindi ko naman kasi siya masyadong sineseryoso kaya wala na sa akin. Isa pa, hindi ko nga din pala alam ang totoo niyang pangalan, pati apelyido niya, wala akong alam. Hindi ko nga rin alam kung ang Emz ba ay totoong pangalan niya o gawa-gawa lang.
Saktong ikapitong buwan, hindi na rin ako nakatanggap ng tawag mula sa kanya. Itanggi ko man peru talagang naghintay ako na tumawag siya. Kahit papaano, nilo-look forward ko na rin ang petsa na tatawag siya at magkukuwentuhan kami. Ngunit mag-aalas kuwatro na ng hapon, wala talaga.
"Ate, lumabas ka raw diyan sa kuwarto mo, sabi ni papa. May naghahanap sa'yo," tawag sa akin ng kapatid ko.
"Sino raw?," takang tanong ko dahil wala naman akong ini-expect na bisita.
"Ewan. Labasin mo na lang kasi," sagot ng kapatid ko saka umalis na rin.
Hindi na ako nagbihis. Hindi na rin ako nag-abalang maglagay pa ng pulbos kahit medyo namamawis ang mukha ko.
Dumeretso na ako sa sala.
"Lanie, may bisita ka," sabi ng papa ko na nakaharap sa akin samantalang nakatalikod naman ang isang lalaki. Naka-longsleeve ang lalaki at pormal na pormal. Baka pastor ito, isip ko.
"Iiwan ko na muna kayo dito," sabi ng papa.
Lumingon na rin ang lalaki pagkasabi nun ng aking papa kaya medyo nagulat ako ng makita kung sino ang bisita.
"Emz?!", gulat kong sabi. "Anong ginagawa mo rito?"
"Dinalaw ka. Happy monthsary!," sabi niya saka inabot ang isang kumpon ng bulaklak.
"Ginulat mo naman ako eh, bakit di mo sinabing paparito ka," sabi ko at naupo. Para kasing nanghihina ang tuhod ko.
"Balak ko kasing sorpresahin ka,"sabi niya at naupo sa tabi ko. "I love you."
Diyos ko, nausal ko. Hihimatayin nga yata ako.
"Huwag kang hihimatayin, okay", nakatawang sabi ni Emz habang hinahawakan ang kamay ko."Di ka ba naghilamos?"
Muntik na akong nahulog sa kinauupuan ko saka umirap. "Naman. Di ka kasi nagsabing paparito ka eh."
Tumawa siya ng malakas. "Hindi ka pa ba nasanay? Lage naman kitang sinusorpresa diba?"
"Naman," ngiwi ko saka tiningnan siya sa mukha. "Pwedeng magtanong?"
"Anu yon?"
"May asawa ka na ba?", tanong ko sa kanya na ikinabulanghit niya ng tawa. "Saka ano ang totoo mong pangalan?"
Niyakap niya ako. Saka bumulong, "Akala ko, hindi ka na magtatanong eh.James ang totoo kong pangalan. Walang asawa."
Ngumiti na lang ako. Bumulong siya ulit. "I love you."
Hindi ako sumagot. Hindi ko naman kasi alam ang isasagot ko.
Basta ang alam ko masaya ako.
Tiningnan ko siya ulit. "Kumuha ka muna ng CENOMAR. Baka mamaya nyan, niloloko mo lang ako."
"Yes boss. Basta ba papakasal ka sa akin pag nakakuha na ako nun, okay?," sagot naman niya. Tumawa. Kitang-kita na nangingislap ang kanyang mga mata na tila humahaplos din sa aking puso (an lalim lang nun, hehe).
Tumawa na rin ako. Napuno ng masayang tawanan ang buong sala.
LIMANG TAON na rin ang nakalipas ngunit hanggang ngayon, sa pagsapit ng mahalagang petsang iyon, sa tuwina palagi pa rin akong nasosorpresa.
Bakit ba hindi, eh hanggang ngayon kami pa rin ni Emz.
Alam ko na rin ang apelyido niya. Nagustuhan ko nga eh. Kaya ayun, apelyido ko na rin.

06 March 2011
Sunday's Best
...as always.
We (me and Emz) woke up at 9:00 in the morning (too late) kasi naman an tagal din kasi naming nakatulog nung nagdaang gabi:
Emz who slept late kasi napasarap sa kuwentuhan and inuman with friends and me kc magdamag din halos ng-movie trip. Ahm actually hinintay ko lang talaga siya- hehe.
Pero kung ganito naman palagi ang eksena, pwede, buong araw na lang kaming matutulog? Char!
*
*
*
*
*
Emz got his new haircut and I got a new pair of rubber shoes.
Tsadang!
(Walang pictures. Tinamad ako)
We attended the mass at 5:00 in the afternoon. Brrr. Ang lamig ng panahon dito so parang magja-jogging lang yong outfit namin. (heehee).
We eat @ Cielo's. Hmm ako lang pala. (Kakahiya) Kasi naman busog daw si Emz eh since he has eaten fish cold cuts before we went out. Wiz ko naman type ang cold cuts.
Anyways, it's not the things we have done I'm referring to being the best.
It's actually the fun of Emz and me being together. Hahay sarap ng may kasama sa bahay at sa buhay.
Kaya lang, he'll be going away again for work on Monday- so I pray
I pray that he'll be here on the weekend- safe and sound.
*
*
*
*
*
*
*
*
QUESTION from an FB friend Joanna via FORMSPRING
How could you say you love a person?
Answer:
If i can't sleep without knowing that he's safe
if i feel emptiness everytime he goes away
if i see more of his good things than his bad
if i think he's handsome even if he's not
if my heart beat fasts if he's around.
hay.
Love isn't said after all..it is felt.
Char!

04 March 2011
Life's Imperfections
"An imperfect life makes a perfect story."
Kaya lang nasa neutral mode lang naman ang buhay ko
Hindi siya perfect, hindi naman masyadong kawalan
Balanse lang.
Minsan may problema.
Minsan wala.
Minsan parang wala lang.
Iyong tipong kahit pagtabi-tabihin ang lahat ng mga kaganapan sa buhay ko eh hindi talaga pwede magawan ng magandang kuwento ng Maala-ala Mo Kaya
Hindi yong tipong pang Mara-Clara
Na may sabunutan
Sampalan
Iyakan
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
May mga crying moments din naman
Kagaya nung namatayan kami ng aso na kasabayan ko pang ipinapanganak dito sa mundo
siyempre, senti kami lahat noon
Peru pagkatapos ng araw na nailibing yung aso- forgotten na agad. Hindi man lamang namin naisip na makakapagmulto pa siya sa loob ng apa't napu't limang araw pagkatapos ng libing.
As in talaga nga lang sigurong may ipinapanganak na
Api
Nang-aapi
at sidekick ng mga nang-aapi at inaapi.
Fortunately and unfortunately- wala ako sa kanila.
Ano lang kasi ako- eh
ahm
simple
pero
rock.
Char!
02 March 2011
Ang Mag-Boypren
Lima kaming sabay-sabay na kumakain sa may fastfood malapit sa opisina. Kasama ko ang mga kaibigan at katrabaho ko sa isang kompanya sa aming bayan na sina Rosa, Mia, Via at Kristin.
(Hindi po kami ito hah. Na-google ko lang ito dito.) |
Nang nakaupo na kami at naghihintay ng kanya-kanyang order, saka lumapit si Eric, bagong hired na empleyado sa aming kompanya at wala pang tatlong buwan sa paninilbihan.
“Hi girls! Pwedeng maki-join?”, bati sa amin ni Eric.
“Sure!”, sabay-sabay naman naming sagot sa kanya.
Umupo siya sa tabi ni Kristin at saktong magkaharap kami.
‘Guwapo nga pala talaga itong si Eric’, nasaisip ko habang iniispatan ang kaharap ko. Napakakinis ng kanyang mukha.
Halos sabay kaming lahat na napa ‘Thanks God’ ng dumating na ang inoorder naming pagkain. Medyo gutom na talaga ako dahil tinapay lang ang kinain ko ng umaga.
“Dahan-dahan sa pagsubo girls, walang libreng tubig dito”, pangangantiyaw ni Eric sa amin ng medyo magkagulo kami sa pagkuha ng pagkain.
“Huwag ka ng KJ dyan oy, eh sa gutom kami eh”, sabi naman ni Rosa.
Napansin ko si Via na tahimik lang at nagmamasid. Nakaupo siya sa tabi ko. Pasulyap-sulyap sa amin habang nagkakagulo at madalas matagal na mapatitig kay Eric kapag sa tingin niya hindi ito nakapansin. Eh ako na sadyang observant, kaya napansin ko rin ang kaunting pagbabago ng kanyang mood. Kanina kasi medyo nakangiti at nakikitawa sa amin at paminsan-minsan bumabato rin ng biro. Ngayon eh parang biglang nabadtrip.
‘Naloka na. ’, hinuha ko sabay ngiti at napailing.
“Oy Eric, may asawa ka na ba?”, bigla kong tanong kay Eric.
Bigla nakatuon ang pansin ng mga kaibigan ko sa akin. Siguro dahil sa topic na sinimulan ko.
Eric: “Wala pa no, magnobyo pa lang kami.”
Rejen: “Buti ka pa oy.. itong si Via eh, single pa rin hanggang ngayon.”
Rosa: “Mapili kasi kaya ayan”.
Napatawa si Eric.
Umismid lang si Via saka itinuloy ang pagkain, kaaanigan ng pagkainip ang mukha.
Nang mag-aala-una na, sabay-sabay pa rin kaming naglalakad pabalik sa opisina ng bumagal ang lakad ni Via. Nagpahuli sa amin. Hinintay ko siya at hinayaan na sina Rosa na mauna.
Ako: “Problem friend?”
Via: “Wala naman.”
Ako: “Di nga? Share mo kaya.”
Via: “Naku, nainis lang ako.”
Ako: “Naman! Eh kanino ka naman naiinis? Kay Eric ano?”
Via: “kanino pa nga ba?”
Ako: “Bakit naman? Dahil sa nakaraan n’yo ano? Hehehe. Oyy.”
Via: “Heh! Naku tumigil ka nga.”
Ako: “Sabi ko na nga ba eh. Hayaan mo, malakas naman ako kay boss, hindi na lang natin ire-regular sa trabaho.”
Via: “Tange. Parang ako pa ang magiging dahilan ng kamalasan niya kung ganun.”
Ako: “Hahahaha. Ikaw kasi, drama ka eh.”
Via: “Hindi kasi naiinis lang ako sa kanya. Naaalala ko kasi dati nung high school pa lang kami, lalaking-lalaki siya. Ilang beses kaya kaming naghoholding hands dati, siya kaya ang dream boy ko, tapos heto siya, lalaki na rin ang gusto. Kainis!”
Napahalakhak ako ng malakas.
Ako: “Day, ganun talaga ang life. Nagbabago. If I know, insecure ka lang, siya may boyfriend, ikaw wala! Hahahahahaha!”
Via: “Heh! Halika na nga. Late na tayo.”
*THE END*
One Boring Day
Hindi ako pumasok ng araw na iyon
On-leave.
Nasa bahay lang ako
Pinapakiramdaman ang sarili
Hindi ko kasi mawari kung may sakit ba ako o wala
Uneasy kasi ako lately
Bored. Feeling ko palagi akong may sakit na hindi ko alam kung ano
Binuksan ko ang bintana sa may sala. Makikita roon ang lahat ng mga dumadaan dahil may kababaan lang naman ang bakod. Tumanghod ako roon. Namimintana.
Kakaunti lang ang mga nagdaraan. Kalimitan mga sasakyang pampasahero.
Ilang minuto din akong nakatitig lang sa kawalan. Maya’t-maya may tumawag sa akin.
“Ilay!”
Napatuwid ako. Medyo nagulat saka napadako ang aking paningin sa may kalsada. Naroon ang isang lalaking nakasombrero. Hindi ko masyadong naaninag ang kanyang mukha dahil natatabunan ng kanyang sombrero.
“Kumusta ka na?”, sigaw ulit ng di ko nakilalang lalaki.
Kumunot ang aking noo upang maipahiwatig sa kanyang hindi ko siya kilala.
“Ako ito, si Allan!”, sabay kuha ng kanyang sombrero. Malapad ang kanyang ngiti habang mas lumapit sa may bakod.
Tiningnan ko siya ulit.
Oo nga. Si Allan nga! Tila lumundag ang aking puso ng makilala ko siya. Parang gusto kong lumundag sa tuwa.
“Kumusta ka na? Kailan ka dumating?”, sigaw ko rin sa kanya.
Lumabas ako ng bahay saka siya pinagbuksan. “Halika ka, pasok ka.”
Ilang taon naba mula ng huli ko siyang makita. Anim. Pitong taon. Matagal-tagal na rin pala.
Ipinagkuha ko muna siya ng meryenda bago ako umupo sa tabi niya.
“Kumusta ka na?”, Masaya kong tanong sa kanya.
“Okay lang.”
“Kailan ka dumating?”, casual kong tanong habang pinagmamasdan ang kanyang anyo. Ang laki na ng kanyang pagbabago. Naroon pa rin ang guwapo niyang mukha ngunit medyo nangayayat ang kanyang katawan samantalang kaaanigan ng lungkot ang kanyang mukha.
“Kahapon lang,” sagot niya. “Ikaw, kumusta ka na?”
“’Eto, maganda pa rin”, sabay halakhak kung sabi.
“Di ka pa rin nagbabago”, sabi niyang nakangiti.
Ngumiti lang ako at tiningnan siya sa mukha.
“Ganyan ka pa rin kung tumitig,” medyo naiilang niyang sabi.
Tumawa ako. “Masama ba? Ganito na talaga ako, di ba?”
Tumawa na rin siya.
“Kumusta na ang asawa mo?”, maya-maya tanong ko.
“Okay lang naman. Hindi ko siya kasama pag-uwi ko rito. Medyo kinakapos kasi kami eh”, medyo nahihiya niyang sabi. “Mabuti ka pa at mukhang maalwan ang kalagayan ninyo.”
Nagkibit balikat lang ako. “Sinuwerte lang siguro”.
“Oo nga. Hindi katulad ko, minamalas”, may kapaitan niyang sabi na bigla namang pinapalitan ng pilit na ngiti.
“Naku, pana-panahon lang kaya yan ano. Ano nga palang inuuwi mo rito?” sigla kong tanong ngunit naroon din ang kaba na hindi ko mawari kung bakit.
“Mag-iisang taon na rin kasi buhat ng pumanaw si itay, eh medyo kapos nga kami ngayon, maipagbibili ko siguro ang naiwang maliit na lupa.”
“Eh di ba may kaya naman ang asawa mo’ng si Nida?”, tanong ko.
“Nagkahiwalay na kami ni Nida. Maglilimang taon na. Sumama sa ibang lalaki. Iba na ang kinakasama ko ngayon…”
“Ha?”, napamulagat ako. “G-ganun ba? Bakit?”
“Eh… nakulong kasi ako ng dalawang taon eh. Napasama ako sa isang riot,” kakamot-kamot ng ulong turan niya.
Nakatingin lang ako sa kanya. Gusto kong umiyak at tumawa na hindi ko mawari kung ano.
Uminom siya ng juice mula sa baso saka deretsong tumingin sa akin. “Alam mo, na-miss kita..” biglang sabi niya.
Nagulat ako. Saka tumawa ng mapakla. Dapat sana natuwa ako ngunit ang nasasaisip ko ang kanyang mukha. Kani-kanina lang, ang guwapo niyang tingnan sa kanyang maputing t-shirt na gustong-gusto kong isunusuot niya noon. Ngunit kalaunan tila ba nabubura ang magandang bikas ng kanyang mukha. Pumapangit.
“Nagsisisi ako kung bakit iniwan kita dati, Ilay. Kung pwede ko lang ibalik ang panahon, hindi na sana kita iniwan at ipinagpalit kay Nida.”
Napapitlag ako. Ang ngiti kanina ay naging isang malutong na halakhak.
Nagtaka siya. Medyo nalito. Siguro dahil sa wari niya wala naman siyang nasabing nakakatawa.
“Ikaw talaga Allan, mapagbiro ka na pala ano!”, sabi ko sa pagitan ng tawa. “Huwag na nga nating pag-usapan yan. “
“Nagsasabi ako ng totoo Ilay”, akma niyang hahawakan ang aking mga kamay.
Bigla naman akong tumayo. “Ay naku, Allan. Hindi ka pa rin nagbabago, ganyang-ganyan ka pa rin kung magsalita.”
“Aherm!”
Napadako ang tingin ko sa may pintuan. Dali-dali kong tinawid ang espasyo papunta sa lalaking nakatayo roon.
“Hi love”, bati ko sa aking asawa saka dinampian ng matamis na halik ang kanyang mga labi.
“Ah, how’s your day?”, nauutal na sabi naman ng aking asawa habang nakatitig sa akin saka napatingin kay Allan na nakaupo pa rin.
“Ah, love, si Allan pala. Kaibigan ko galing sa kabilang lungsod. Napadalaw lang. Allan, si Jaime, asawa ko”, sabi ko habang yumapos sa braso ni Jaime.
“Kumusta pare?”, bati naman ni Jaime.
“O-ok lang pare,” sagot ni Allan.
“Siya nga pala love, may ipagbibili palang lupa si Allan malapit sa may palengke. Pwedeng-pwede yun para sa binabalak nating pagpapatayo ng bakery,” nakangiti kong sabi.
Tumayo na rin si Allan. Bumabalik na naman ang malungkot niyang mukha.
“Aalis na ako”, turan niya habang humahakbang palabas.
“Dito ka na rin mananghalian pare!”, sabi ni Jaime.
“Hindi na pare, may aasikasuhin pa ako eh”, sabi ni Allan saka tumingin sa akin. “Ilay, maraming salamat”.
Ngumiti lang ako. At pinanood siyang lumabas ng bahay hanggang makalabas na ng gate. Matagal na nga talaga ang lumipas na panahon. Wala na ang sakit na parati nararamdaman ko sa tuwing iniiwan ako dati ni Allan. Ito ang unang beses na tila manhid at hindi ako nakakaramdam ng anumang kawalan.
Narinig kung bumuntong-hininga si Jaime.
Paglingon ko, nakita ko siyang nakatitig lang sa akin.
Nilapitan ko siya. Saka hinalikan sa labi. Ng mariin. At matagal.
“Jaime, ang suwerte ko ikaw ang naging asawa ko,” nausal ko habang yakap-yakap ko si Jaime.
Niyakap niya rin ako. Mahigpit. At dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng kanyang puso.
Subscribe to:
Posts (Atom)