(Hindi po kami ito hah. Na-google ko lang ito dito.) |
Nang nakaupo na kami at naghihintay ng kanya-kanyang order, saka lumapit si Eric, bagong hired na empleyado sa aming kompanya at wala pang tatlong buwan sa paninilbihan.
“Hi girls! Pwedeng maki-join?”, bati sa amin ni Eric.
“Sure!”, sabay-sabay naman naming sagot sa kanya.
Umupo siya sa tabi ni Kristin at saktong magkaharap kami.
‘Guwapo nga pala talaga itong si Eric’, nasaisip ko habang iniispatan ang kaharap ko. Napakakinis ng kanyang mukha.
Halos sabay kaming lahat na napa ‘Thanks God’ ng dumating na ang inoorder naming pagkain. Medyo gutom na talaga ako dahil tinapay lang ang kinain ko ng umaga.
“Dahan-dahan sa pagsubo girls, walang libreng tubig dito”, pangangantiyaw ni Eric sa amin ng medyo magkagulo kami sa pagkuha ng pagkain.
“Huwag ka ng KJ dyan oy, eh sa gutom kami eh”, sabi naman ni Rosa.
Napansin ko si Via na tahimik lang at nagmamasid. Nakaupo siya sa tabi ko. Pasulyap-sulyap sa amin habang nagkakagulo at madalas matagal na mapatitig kay Eric kapag sa tingin niya hindi ito nakapansin. Eh ako na sadyang observant, kaya napansin ko rin ang kaunting pagbabago ng kanyang mood. Kanina kasi medyo nakangiti at nakikitawa sa amin at paminsan-minsan bumabato rin ng biro. Ngayon eh parang biglang nabadtrip.
‘Naloka na. ’, hinuha ko sabay ngiti at napailing.
“Oy Eric, may asawa ka na ba?”, bigla kong tanong kay Eric.
Bigla nakatuon ang pansin ng mga kaibigan ko sa akin. Siguro dahil sa topic na sinimulan ko.
Eric: “Wala pa no, magnobyo pa lang kami.”
Rejen: “Buti ka pa oy.. itong si Via eh, single pa rin hanggang ngayon.”
Rosa: “Mapili kasi kaya ayan”.
Napatawa si Eric.
Umismid lang si Via saka itinuloy ang pagkain, kaaanigan ng pagkainip ang mukha.
Nang mag-aala-una na, sabay-sabay pa rin kaming naglalakad pabalik sa opisina ng bumagal ang lakad ni Via. Nagpahuli sa amin. Hinintay ko siya at hinayaan na sina Rosa na mauna.
Ako: “Problem friend?”
Via: “Wala naman.”
Ako: “Di nga? Share mo kaya.”
Via: “Naku, nainis lang ako.”
Ako: “Naman! Eh kanino ka naman naiinis? Kay Eric ano?”
Via: “kanino pa nga ba?”
Ako: “Bakit naman? Dahil sa nakaraan n’yo ano? Hehehe. Oyy.”
Via: “Heh! Naku tumigil ka nga.”
Ako: “Sabi ko na nga ba eh. Hayaan mo, malakas naman ako kay boss, hindi na lang natin ire-regular sa trabaho.”
Via: “Tange. Parang ako pa ang magiging dahilan ng kamalasan niya kung ganun.”
Ako: “Hahahaha. Ikaw kasi, drama ka eh.”
Via: “Hindi kasi naiinis lang ako sa kanya. Naaalala ko kasi dati nung high school pa lang kami, lalaking-lalaki siya. Ilang beses kaya kaming naghoholding hands dati, siya kaya ang dream boy ko, tapos heto siya, lalaki na rin ang gusto. Kainis!”
Napahalakhak ako ng malakas.
Ako: “Day, ganun talaga ang life. Nagbabago. If I know, insecure ka lang, siya may boyfriend, ikaw wala! Hahahahahaha!”
Via: “Heh! Halika na nga. Late na tayo.”
*THE END*
natawa ko.. bading si eric pala hahaha.. sayang nga ang kagwapuhan...
ReplyDeletesalamat po sa pagdaan sa bahay ha.. balik ka sana ulit :)