...ay siguradong may tatawa!
Kapag may naamoy kasi tayong mabahong hangin galing sa utot, lalo na kung ang taong umuutot ay nasa malapit lang, ito ay itinuturing nang pagiging hindi desente at kawalan ng "good ethics" wika nga.
Ang hindi alam ng karamihan, ang pag-utot ay isang palatandaan na ang ating mga bituka ay maayos at normal. Ang pag-utot ay nangyayari kapag sagana sa protina ang mga pagkaing ating kinakain. Kapag mas maraming protina, mas maraming pagkakataon na tayo'y mauutot.
Katulad na lang halimbawa kapag marami tayong nakakain na kamote o "sweet potato" na kilalang mayaman sa protina.
Ang mabahong amoy ng utot ay sanhi ng hydrogen sulfide o mercaptan na kung saan parehong may sulfur. Kapag naman maraming sulfur ang pagkain, mas maraming sulfides o mercaptan ang humahalo sa bakterya sa ating tiyan.
May Walong kadahilanan kung bakit tayo ay napapautot:
1.) Kapag ikaw ay sumasakay ng eroplano
Kapag kasi mababa ang air-pressure, ang gas sa loob ng katawan ay lumalabas sa pamamagitan ng pag-uutot.
2.) Hindi maayos ang pagkakabit ng pustiso
Kung ikaw ay nagpupustiso na, dapat maayos ang pagkakabit nito upang hindi ma-trap ang hangin sa pagitan ng mga ngipin na maaring matutulak patungong tiyan kapag ikaw ay lululon.
3.) Anorexia
Kapag walang laman ang iyong tiyan, tanging hangin ang papaloob dito
4.) Pag kain ng chewing gum
Kapag maraming chewing gum ang pinapapak mo, mas maraming gas ang mabi-build-up sa bunganga. Ang artificial sweetener din ay hindi madaling i-digest ng katawan na nagpaparami ng gas sa tiyan.
5.) Paghitit ng marijuana
Katulad ng chewing gum, nagiging sanhi rin ng pag-uutot ang paghitit ng marijuana
6.) Pag-inom ng beer
Nagiging sanhi rin ng paglabasan ng gas sa katawan ang tatlong salik ng beer: tubig, alkohol at carbonation
7.) Cancer
Ang pagkakaroon ng kanser sa sikmura at colon ay nakakapagdulot din ng madalas na pag-uutot
8.) Constipation
Kahit may kahirapan ang pagdudumi kapag ikaw ay may constipation , nakakalabas pa rin ang gas mula sa sikmura na kadalasan ay napakabahong utot.
eh san ko naman pwedeng ihalimbawa sa 8 na uri ng pagutot ang taong, may kabag kaya maya-maya ang pag utot. ano ba ang reason? dahil ba present parin ang protein? para kasing di normal pag ganun diba^^)? tska panu maiiwasan ang pagkakaroon ng kabag? anu rin ang reason bakit nagkakaroon ng kabag? thnks and more power ^^)
ReplyDelete