29 March 2011

My Most Admired Corrupt Strategies in the Coop World

Charuz!

Ang bongga lang ng Blog title ko.

[Haha!]

Ilang taon na rin akong nakikipagbunuan, nakikipagsapalaran, nabubuhay, nakikibaka sa mundo ng kooperatiba (Char. Im presently working in an MPC)

Dito, maraming first time sa buhay ko

First time ko makapagtrabaho
First time ko pumuntang Cebu, Bohol, Camiguin, Cagayan, Gensan
First time ko napromote
First time ko napaiyak dahil first time napagalitan ng boss
First time ko nag-under time dahil may date kami ng bf ko [hubby ko na]
First time ko sumakay ng eroplano
First time ko magdisco
First time ko mag joy ride mula alas kuwatro ng hapon hanggang madaling araw
Etc. first time

Sa mga taong inilalagi ko dito,

marami-rami na rin akong natutunan.

Syempre

ang MISSION, VISION, GOAL

CORE VALUES

CUSTOMER RELATIONS

GOOD GOVERNANCE

Naging saksi rin ako sa mga taong dumanas ng krisis, mga problema, pagsubok at kung anu pang ka-ek-ekan

Higit sa lahat

naging saksi rin ako sa iilang mga hindi kanais-nais na mga pangyayaring madalas ay karanasan din ng ibang organisasyon

In other word: Corruption

Ilang halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

1. Nepotism

Direktor si Mam, yung anak niya teller, yung pamangkin niya loan processor, yung isang pamangkin pa bookkeeper

2. DOSRI
(Katulad na lang halimbawa ng nangyari kamakailan sa Banco Filipino [Subok na Matibay, Subok na Matatag] ).

Umutang ang isang Direktor, 5 million, yung isa pa, 5 million ulit, yung isa naman dahil may dalawang ektaryang niyugan, 10million, si Manager, 1 million lang muna, si Treasurer, 2 million, si clerk 1 5hundred thousand, si clerk 2 5hundred thousand din.

3. Accounting is an art

Maliit ang net surplus, lagot sa General membership yan. Cge, adjust ko na lang. Yung 10M netsurplus, doblehin ko na lang. Madali lang yan. Yung excess, paghahatian na. Ayos!

4. Policy Making

Dapat ganito ang policy natin, paanu na kung ganyan, naku eh hindi yan advantage sa akin. Kung saan tayo makikinabang, doon tayo. Di ba pare. Sige ka, aprub mo yan, hindi na kita iboboto next year.

5. Make use of the unused

Mare, wala ka palang loan eh. Ako na lang ang uutang gamit ang account mo. Huwag kang mag-aalala, malakas ako sa loan section. Sige ka pag di ka papayag, wala kang increase.

6. Promotion or demotion?

Maliit lang honorarium ko bilang officer. Mas malaki sahod ng manager. Out ang manager,in ako. Sayah!


Bato-bato sa langit, ang tamaan kapag galit

ibig sabihin bumisita sila sa site ko!

Sayah!

2 comments:

  1. i ngiti mo lang yan ganda. better things come along when you least expect it to. btw, may coop rin kami at work, pag may bakante sabihan kita...haha...tc. :)

    ReplyDelete
  2. Thanks dahling.. my email/ym: streetlane22@yahoo.com

    ReplyDelete