02 February 2011

TOP TEN WANTED THIEVES AND ROBBERS

Okay lah!
*
*
*
So here are the lists of the TOP TEN WANTED THIEVES AND ROBBERS of the COMPANY

Link: http://www.top10robbers.com/

*
*
*
Hahahaha! Joke lang poh. Wala talagang laman ang site na yan kaya panay ganito ang labasan ng IEx mo.


Info icon

 


Internet Explorer cannot display the webpage

_________________________________________________________



Napaisip lang ako.


Oo, nag-iisip ako! Ganito talaga ako mag-isip, wag ka ng kumontra.


Anyway.. napaisip nga ako ng mga sandaling iyon.

Nung isang buwan kasi umiiyak ang isang teller dahil daw nawawalan na naman ng pera ang drawer niya.

As in,  nawala- meaning may kumuha!

Eh siyempre maiisip mo, tatanga-tanga nga rin siguro si Ms. Teller baka ipinamigay lang sa kung sinu-sino, tapoz ayun, si Mamang Gahaman, eh sinuwerte, eh ibabalik pa ba naman ang pera?! (Survey says- hindi na daw) eh kusang ibinigay eh. Kasalanan na ng teller yun! Peru kung mabait naman si manong, at kahit papano may konsensiya, eh talaga, wala pang dalawang oras, maibabalik na ang pera.

Peru buti nga lang sana kung purely katangahan lang..

What if, intentionally may kumuha talaga?

Imagine BEYNTE MIL! Oo, P 20,000.00 poh ang nawala. Isang bundle ng tigdalawandaang piso

Nagtaka nga daw sila eh.

Wala naman kasing malalaking withdrawals ng mga depositors sa araw na yun.

Pinaka malaking withdrawal na ang may sasampung libo. Tapoz paulit-ulit pa kung bilangin ang pera bago ibigay.

Ayun, magdamag buong linggong iniiyakan ng kawawang teller.

______________________________________________________________



Isang taon na din ang nakaraan,

nawalan din ako noon ng isang bundle ng tigsasandaang piso. TEN THOUSAND PESOS din yun..

Dun din mismo sa may teller's area.

Katangahan nga din naman siguro.

Peru siyempre di mawawala ang mga pagdududa.

Masama man, peru talagang minsan may mga taong kahit gaano man iwasan ay talagang pag-iisipan mo ng may halong pagdududa na baka isa sa kanila ang kumuha.

Sabi nila may mga taong Klepto raw.

Ito ung mga taong hindi naman nghirap sa buhay, at minsan nga mga mayayaman pa, na type lang nilang kumuha ng pag-aari ng iba- gaya ng pera, alahas, etcetera..

Malay-malaysia nga raw kung ang mga kawatan pala eh ung taong sangkaterba ang alahas at pera.
Siyempre-

...may mga pagdududa na nga rin kami. May mga listahan na rin, sinu-sino ang mga nominadong makapasok sa Top 3 Most Wanted Persons

Malay mo. Baka ikaw pala ang matagal ng Wanted!

Kung hindi pa at gusto mong makapasok sa Top Ten,

Aminin lang na ikaw ang kumuha ng mga perang nawawala

At automatic magiging isa ka sa mga may SALA.

Chox!

----------

No comments:

Post a Comment