Oo. Nakita ko!
Baha.
Baha.
Baha.
*
*
*
*
*
Peru hindi naman sa Maragusan etoh. Thanks God, hindi pa naman umabot ang Maragusan sa ganitong state of calamity.
Malakas nga lang talaga ang ulan. Yung ibang lugar nga, para bagang may extension ang Dagat Pasipiko hanggang mga kanal at kalsada.
***
Ok pa naman ang Maragusan. Mahirap nga lang magbiyahe pag ganitong tag-ulan.
Ung pedicab ngang sinakyan ko, parang ngtransform bigla sa pagiging ‘Baruto’.
Pa’nu ba naman hindi eh halos baha buong lungsod. Nangalahati nga sa katawan ng pedicab ang tubig eh. (Joke lang!)
Yung daan naman, para lang namang sapa. Para bagang umapaw na ang Agusan River sa kalungsuran, nagngangalit na hinahampas ng maruming tubig ang mga nagdaraan. (exaggeration lang poh- wag masyadong maniwala)
Nitong gabi nga lang-
Tagal kong nakauwi. Na-stranded ako sa labas ng opisina dahil sa lakas ng ulan. Kokonti lang ang namamasada, lahat eii punuan pa. Buti na lang bukas pa ang grocery store malapit sa opisina at may masisilungan.
Ei ang layo kaya nang sa a’min. kelangan pa pa-espesyal na hatid muna.
Kala ko nga sisitahin na ako ng guard eii.. Pa’nu – halos isang oras na akong labas-masok ng grocery store bitbit ang malaki kong bag. Baka napagkamalan pa nga yata akong shoplifter.
Kc sa liit kong toh, laki ng bag na bitbit ko. Ewan ko ba, mas gusto ko talaga ung may kalakihang bag ang dala-dala ko. Para na rin lang siguro macompensate ang size ko. =))
Anywey segwey- nakauwi naman ako kahit papa’nu. Buti na lang may isang admirer ko- aherm!- ang pumayag na ako’y ihatid.
Hindi quits oi, doble nga bayad ko eii. (hmft)
Peru okay lang..Ganito nga rin naman kagandang lalake eii-
kahit 5x bayad pa. Uutangan ko na lang sa bestfriend ko ng pamasahe.
(Peru oi, joke lang yun. May asawa na kaya ako- magseselos yun. Ayaw akong uwiin ng weekend-eh di loveless lolah nyu)
Yun nga-
Ang Maragusan naman ay hindi basta-basta binabaha. Una, kasi nasa mataas na lugar. Pangalawa, napapaligiran ng matataas na bulubundukin. Pangatlo- hindi pa naman kalbo ang mga bundok at masigasig pa rin naman ang DENR na pasiglahin ang layuning Tree Planting and Growing .
Pero iilang barangay na rin ang minsan dumanas na ng matinding landslide o pagguho ng lupa dulot ng kawalan ng mga punongkahoy.
Katulad lamang ng minahan ng ginto sa Pamintaran. Marami nga ang nakikinabang. Marami-rami na rin ang yumaman (too bad, di man lang ako napabilang)
Peru mas marami ang nahihirapan. Lalo na kung ganyang bigla-bigla na lang gumuguho ang mga kabahayan dahil pala butas-butas na ang ilalim ng lupa sa pagnanais makakuha ng kayamanan.
Dati- nung maliit pa ako (at hanggang ngayun maliit pa rin) , wala namang napapabalitang mga ganitong pangyayari lalo na dito sa Maragusan. Masasaya pa nga kaming naglalaro sa daan kapag umuulan at madalas nagpapaligsahan ng mga bangkang papel. Paano, wala naman kaming nalalamang "germs" at "bacteria" noon. Siyempre, kahit may kalakasan ang ulan, hindi naman maputik ang tubig sa mga daanan.
Hindi katulad ngayon. May mga plastik at kung anu-anong basura na ang sumasabit sa paa.
Oo nga't may mga programa naman ang pamahalaang lokal sa pagpapasidhi ng Responsible Waste Management . Ngunit may iilan parin ang walang pakialam at basta-basta na lamang itinatapon ang mga basura sa kung saan-saan lang.
Ang mga Maragusanon naman, alam ko, mga responsable yan. Eh diba naging awardee nga ang munisipyo natin nung mga nakaraang taon dahil sa mga inililunsad na programa para sa kapaligiran at kalikasan.
Katulad na lamang ng "TAPAT KO, LINIS KO. BASURA MO, IBULSA MO" program.
Sabagay, lumilipas din ang panahon. Iba noon, iba ngayon. Dati, kokonti lang naman ang mga tao. Ngayon dumarami na. Yung mga bata noon, ngayun may mga asawa na. May mga anak na. May mga bago nang pamilya. Lumalaki ang ating popolasyon. At hindi lang iyan, marami na rin mga taga -ibang lugar ang lumilipat dito. Maraming bago. Dumarami ang tao.
Ang hindi ko maisip, kung dumadami tayo, dapat dumadami din ang tumutulong upang maging mas malinis at mas mapangalagaan nating ang kapaligiran
Ang kalikasan.
Ngunit hindi eh, mas pinagtutulungan pa nga nilang wasakin ang ating kalikasan. Marami ang nagpapayaman, mas marami ang magdudusa kapag ang Inang Kalikasan na ang masasagasaan.
Sa bundok Pamintaran, ilang puno na ba ang pinuputol? Ilang mga hayop na ba ang nawalan nang matitirhan? At hanggang saan ang paghuhukay para sa mga kayamanang kokonti lang naman ang nakikinabang?
Kapag ba ubos na ang kalikasan, saka natin pangalagaan?
O kapag pumapatag na ang buong Maragusan at guguho na ang Bundok Caragan?
******
Hmmmm.. ma-imagine nga kapag wala ng mga Bundok? Aba kitang-kita na ang Pantukan, Tagum, Mati pati nga Dagat Pasipiko umaabot na dito o.
Kaya pala inspired silang maubos ang mga bundok eii.
Sa wakas, hindi na kakarag-karag ang mga bus na dadaan sa napakakipot na kalsada. Ayus!
Ang saya.
Tapos siyempre, hindi na rin malamig dito. Mawawala na ang "Little Baguio".
Masaya yun!
Dadami na ang pwedeng pagtayuan ng mga bahay at gusali. Mas lalong dadami ang tao. Biruin mo yun, eh pede na din itong tawaging "Little Manila". Oh mas sosyal kaya! Marami ngang nangangarap makapuntang Maynila eh. Parang promoted na rin ang Maragusan from 'Little Baguio' to 'Little Manila'.
Tapos siyempre, dahil maraming tao, marami na ring mag-aagawan ng kapangyarihan. Eh di magkakapatayan din. Wow, para lang tayong nanonood ng action movie pag nagkaganun.
Eh di mapopromote na rin ulit tayo, para na rin tayong 'Little Egypt'. Giyerahan!
Hahahaha!
*
*
*
Oh hah!
Saya ng buhay!
Makapaghanap nga ng pala at piko nang masimulan ko na ring patagin ang Mt. Candalaga.
tarush!
Panget
ReplyDelete