11 February 2011

Porbeeda ka Jollibee!

"Oh yes everyone loves Jollibee. It’s the no.1 food chain in the Philippines right now. My nieces and nephews love to eat at Jollibee eventhough it will mean eating the same all cheesebuger and french fries that they have." Grab ko lang ito sa isang site na nadaanan ko.

Ngunit lahat kami dito sa oh-peace (office poh!) ay disappointed sa customer service ng Jollibee.

Umaarkila kasi nang Jollibee mascot oh-peace namin para  bi-bee-da sa launching ng bagong savings products para sa mga bata at mga tinedyer. Package na siyempre ang pagkain.

Akalain mo, ng dinadaanan ng GM namin ang kinontratang branch jan sa may Tagum, ang sabi ng mga crew, "Hindi namin alam yan!"

GM: Anong hindi ninyo alam?! Haller! Tumanggap-tanggap kayo ng paunang bayad, tapos heto at sasabihin n'yong hindi nyo alam!

Jollibee crew: Sandali sir, titingnan ko muna appointment schedule nami. (ismid.ismid.buklat.buklat ng appointment notebook) Halah! Uu nga, ngayun nga po pala! Nakupo, sowe (peace sign)
Okay. So go sila lahat. Biyahe. Mga tatlong oras din papuntang Maragusan.

Pagdating,

hakot ng mga gamit sa loob.

Jollibee crew: Nakupo! Naiwan ang ulo!

Crew: Kaninong ulo? Sayo?

Jollibee crew: Hindi.. sa kanya! (Sabay turo sa walang lamang costume ng pulang bubuyog)

Patay!

Patay si Jollibee! Wala ng ulo...

at Patay ang oh-peace, pinagmamayabang pa naman si buyog!

So go ulet!

Biyahe. Tatlong oras papunta + Tatlong oras pabalik. May anim na oras na naman sana ulet!

Buti kinuha nila ng mga tatlong oras na lang vice-versa.
Dapat sana nakapagsimula na ng alas 7:30 ng umaga

Eist alas 10:30 na- wala pa rin


Sabi ko naman sa kanila

si Marj at ako na lang ang magsusuot ng maskot nila

B1 at B2

Eh may kinalaman naman sa saging ang Magrow eh diba?


Ayan kasi...! #$%^&*()_+!@#$%^&*()_+!


Anyways,

kahit papaano ay nagiging successful naman ang launching ng programa

Enjoy ang mga bata kay Jollibee

Tapos bonus na rin si Hetty



So okay na rin kahit

nung una eh talagang napamura kami (ako lang pala)

Porbida ka Jollibee!

_______________________________________________________________

Oooppss, hindi ko naman po sinisiraan ang Jollibee, ok.

Isinasalaysay ko lang ang mga nae-experience nila  namin.

At ang mga naiisip ko habang nakaharap ako sa computer at nag-iisip ng ipo-post.

May freedom naman akong ipahayag ang mga isinasaisip ko, di ba?

Duh!

No comments:

Post a Comment