Siyempre, shock aketch ng bigla na lang akong kumprontahin ng isang estudyante ng papalabas ako ng opisina pauwi.
"Huh? Nganu man gud tawon?", sabi ko sabay sana kamot ng ulo (dahil umaatake na naman ang nagbabadya kong mga balakubak). Hindi ko naman nakamot at nagtaas na lang ako ng kilay- sabay isip- Ano bang akala ng batang ito kung pagsabihan ako, haller. Hindi porke't mas mataas pa siya sa akin eh, ginaganyan-ganyan niya na lang ako.
"Ingon man gud mo naay libre nga kaon, diay to wala, naulaw na lang gud mi," sabi niya na namumula pa ang pisngi at hindi ko naman mawari kung nahihiya nga ba siya talaga o nagagalit. Sa palagay ko naman, galit nga siya.
Sasagot pa sana ako ng, "Haler! Wala ko niingon noh! Basin sila!"
Peru hindi ko na lang ginawa. Siyempre, dahil naka-uniform din ako ng tulad ng mga kasamahan ko sa trabaho, so isa ako sa kanila.
Napakunot noo na lang ako.
Teka, isip ko, ano bang pinagpuputok ng butse ng mga batang toh?
Oo nga, eh kasi nagla-launch nga pala ang opiz ng bagong produkto- Para sa mga bata at tinedyer. Siyempre may palatuntunan. Imbitado ang mga estudyante. Sa elementarya. sa hayskul. pati ang mga batang hindi pa nag-iiskul.
So siyempre GO ang mga kids at teens.
Ay naku, eh siyempre nag-i-expect talaga sila na may libreng pagkain. Sa laki nga naman ng opiz namin.
Eh ng magtatapos na ang programa at nakapagpiktoryal na rin ang mga bisita, heto na at may nagtatawag na-
KAINAN na daw.
Peru, tanging ang mga may pasbuk at resibo lang daw ang mabibigyan- maging sino ka man.
Eh di shock din ang mga kids,
abah, paano ba naman sila magkakaroon ng pasbuk at resibo, eh sabi nga daw sa kanila- imbayted
lang naman sila- libre.
Teka, alam nyu na ba kung ano ang libre?
Okay. So narinig ko rin naman na talagang kelangan ng pasbuk at resibu bago ka mabibigyan ng isang pirasong burger.
Peru natatandaan ko ring sinabi ko sa amin (amin-kasi kasama nga akong nakauniporm eh,diba) na what if ang alam ng mga bata eh libre lang. Wala naman kasing alam ang mga bata sa ganyan eh. Usapang bznz yan. At ang ipinapadala imbitasyon ay purely invitation lang talaga, hindi naman sinasabi sa imbitasyon na
'Dumalo kayo sa palatuntunan namin mga kids, magdala kayo ng pera hah, ganitong halaga dapat ang dalhin nyo ng sa ganun eh mapapakain kayo!'
Ay naku, buti sana kung ganun. Eh hindi naman nangyayari.
Kaya ayun, ang mga batang iniimbita kuno- pasmado! Alas onse na ng tanghali- lolipop lang ang ipinangsaksak sa bituka.
At buti sana kung hindi pa naman nakakaintindi ang mga bata- na kung gutom na ay papalahaw lang-
Eh kahit nga anim na taong gulang na bata, magrereklamo eh!
Ewan ko ba.
Parang akala lang naman namin tanga ang mga bata.
Anong sabi mo? Nagrereklamo ako eh wala naman akong ginawa?
Wala nga.
Eh nung hindi nyo ako isinali sa komitiba, nagrereklamo ba ako? Hindi naman di ba? So ayan, gawin nyo ang dapat. Kagustuhan nyu yan eh. At hindi ako nangingialam sa mga ginagawa ninyo, okay. Isinasalaysay ko lang ang mga reklamo sa akin ng iba. Dapat nga hindi sila sa akin nagrereklamo eh, hindi naman ako ang may kagagawan ng kapalpakang yan.
At hindi ko rin sinabing inconsiderate kayo, okay
Hindi naman, di ba?
Payong kaibigan..
Pareng at mareng, sa susunod naman kasi, magsabi kayo. Hindi naman porke't
Para hindi magiging...
Ayan.. kasi akala n'yo..
No comments:
Post a Comment