17 April 2011

Paalam AJ Perez!





Nakakalungkot isipin na sa batang edad ay pumanaw na sa hindi inaasahang pagkakataon ang Kapamilya actor na si AJ Perez. Namatay ang aktor sa multiple head injuries dahil sa isang higway accident.

Kasama ni AJ ang kanyang ama na si Gerardo Perez, driver Christopher Bautista at tatlo pang kasamahan na sina Christina Ferrer, Edwin Patelos at Danny Linunga na pauwi ng Manila mula Dagupan City ng bumangga ang kanilang sinasakyang van sa isang bus sa may kahabaan ng Mcarthur Highway ng Barangay San Julian, Tarlac.

Idineklarang dead on arrival ang binata ng isugod ito sa Paniqui Tarlac hospital samantalang buhay naman ang lima pa kasamahan nito.

Hindi ako fan ni AJ. Minsan ko nga lang siya nakita sa tv nung kasagsagan ng 'Sabel'. Nunit nakakapanghinayang pa rin isipin  na ang isang batang-batang artista ay biglang-bigla mawawala na ng tuluyan. Ganun pa man, nasaan ka man ngayon AJ Perez, mananatili kang nasasaisip at nasasapuso sa iyong mga tagsubaybay.

Paalam AJ Perez!




2 comments:

  1. ang buhay ng tao sadyang maigsi.. hindi mo alam kung kailan nya tayo kukunin...

    ReplyDelete
  2. ang hirap tangapin,,

    ReplyDelete