Dahil sa mga pangyayaring ito na naganap kamakailan lang,
heto ako at suspended sa trabaho.
Since every body has a first time- jez first time ko poh, in fairness.
Pero kahit papano, marami din akong natutunan sa mga pangyayaring iyon sa buhay ko. (drama mode)
Katulad na lang halimbawa ng mga sumusunod:
1. Hindi dapat magtiwala ng basta-basta lang.
Alamin kung sino ang dapat pagkatiwalaan.Lalo na ang mga taong may mga reputasyong hindi kanais-nais.
2. Huwag basta pipirma ng dokumento nang hindi binibasa at nire-review.
Ito ang epekto ng labis na pagtitiwala. Kaya dapat rebyuhin at intindihin muna ang mga bagay- bagay bago ito kumpirmahin. Huwag basta pirma lang ng pirma basta may pinapipirmahan. Baka hindi mo mamalayan, binibenta na pala kaluluwa mo.
3. Huwag magpaka-hero.
Huwag isipin ang kapakanan ng iba kung kapakanan mo naman ang mababahala. Hayaan mo silang dumiskarte sa buhay nila. Hindi ka rin naman sure kung iniisip din nila kapakanan mo noh!
4. Huwag mag-explain ng napakahaba kung alam mo namang hindi yan iku-consider.
Tama na ang limang pangungusap na may tiglilimang salita. Magpupuyat ka lang sa kaka-type kung hahabaan mo pa. Huwag ng mag-effort.
5. Humingi ng paumanhin.
Agad-agad. Kahit hindi mo naman talaga kasalanan. Huwag ng hintaying pumuti ang uwak, hindi talaga mangyayari yun! Simpleng sorry ay okay na, huwag naman yung masyadong drama effect baka akalain nila, may kasalanan ka talaga.
6. Kapag sinuspindi ka ng isang araw, pakiusapan ang boss na gawing isang linggo.
Para naman sulit ang baksyon mo. Tapoz magtrip to Hongkong ka. Huwag magmumukmok sa bahay. Wala kang mapapala nyan.
7. Huwag batiin ang taong siyang dahilan kung bakit ka nasuspindi.
Buong taon, huwag na huwag mong kausapin. At never mong batiin kahit magkabungguan pa kayo. Hayaan mo syang makonsensya ano! Hmpht!
8. Huwag ma-depressed.
Never mag-iiyak. Stay poised pa rin. Huwag alalahaning pagtawanan ka ng mga kakilala at kasamahan sa trabaho. Isipin mo, may araw din silang matutulad sa'yo.
Ayos ba?
Hehe.
Peru kasi wala naman akong pang-trip sa Hongkong eh nagpi-facebook na lang ako buong araw
Siyempre pa, nag-a-update ng blog ko.
Dami ko kayang nagawa!
Nakakatawa nga eh,
........................................................................
nung kinausap ako ng Tsirman:
Tsirman: Lanie, suspended ka bukas na bukas, ok?
Me: Po? Sige po, Sabado naman po bukas. Ilang araw po ba akong suspended?
Tsirman: Isang araw lang.
Me: Ey sir, pwede po ba i-one month po. Pupunta po kasi akong Amerika eii. Baka di agad ako makabalik. (eyes blinking)
Tsirman: Hindi pwede. Pag di ka sumunod. Isususpended kita buong taon!
Me: Talaga po? Ang bait nyu po naman! Salamat po hah, so paano po, magkikita na lang po tayo next year!
Tsirman: Huh??
........................................................................
Yun nga.
So hindi ako pumasok ng Sabado. Suspended nga raw.
Ay naku, eh di natulog ako buong araw ng Sabado!
Tapos ng kinagabihan... naisipan kong tingnan yung memo ng GM inipit ko lang sa laptop ko.
Ayun, nung nabasa ko.. sa Lunes pa pala i-effect suspension ko!
Hahahaha- kakatuwa!
Kaya yun- ang nangyayari
suspended ako ni Tsirman ng Sabado
at ni GM ng Lunes.
Yung isang araw lang dapat-
nagiging dadalawa na-
Haha- ang saya talaga pag tatanga-tanga!
Lagot na naman ako nito.
Pag nagkataon baka totohanan na ang lifetime suspension ko..
Huwag naman sana
kasi
kahit anong gawin ko
wala talagang gamot sa TANGA!
No comments:
Post a Comment