16 February 2011

My Haters Miss Me- A lot!

A lot, of course,

kasi ayan at umaatake na naman!

Echuz! Para lang naman akong si Sharon Cuneta neto eh my few words mean their whole world! Asus!

Eh kasi naman konting kibot ko lang- grabe na ang kareak-reakan ng mga amegah at amegoh ko. Wala naman akong kwentang tao eh kung tutuusin at kung bakit sa dinamidami naman namin sa ohpeace(office) eh ako palagi ang pinagdidiskitahan niya nila. As if ako lang naman ang maganda, mayaman, matalino, mabait at nainggit sila- hehe- Charing! (Wala pong katotohanan ang lahat ng iyan)

Naman- eh kasalanan ko ba kung nandito ako sa posisyong ito ngayon (69? hindi ah) at pinagkakainggitan ninyo. (Sus!) Eh sa talagang magaling naman ako ah. At huwag kang umiismid-ismid dyan, hindi ako mayabang, nagsasabi lang ako ng totoo. (Emotera ako!)

Kung gusto nyo naman akong i-demote, I don't mind- I'm not a person of pride- in fact wala talaga akong kapride-pride sa buhay. Ay dun ker (I don't care). Better nga ang lower position eh hindi masyadong pressure, walang hassles, papasok ng alas otso, lalabas ng alas singko at walang bitbit na trabaho sa bahay. Tapos pag binabaan puwesto, ganun pa rin naman sahod ko..di pede babaan. Peru dun wori kasi, hindi naman ako echoserang palaka, okay. Magtatrabaho pa rin ng maayos. Lagi naman ganun eh.

Pero eto lang, huwag akong matanggal-tanggal sa trabaho ng wala namang dahilan dahil alam nyo naman ang law ng employment.. Haha. Kung hindi ninyo alam, abah, magbasa-basa kayo ng Labor Code, okay.

Isipin nyo na ang gusto nyong isipin sa akin, aydunker pa rin. Sasakit ang ulo nyo, magkakasakit kayo sa puso, mamatay kayo- kung hangga't pagtulog nyo, maganda kong mukha ang isasaisip ninyo. Hmm actually okay yun. Hahaha!

Oh la la! Akala ko ba wiz mo ako type? Bakit nagbabasa ka nito?


Hmmm.. ikaw ha.

Oo, ikaw.

Ikaw nga kasi.

Like mo na lang kaya ako sa Facebook. Hahahaha.

Tapos follow mo ang site ko.

Para naman otomatik maa-update kita.

Ok ba?

Usap tayo?

Hehehe.

Huwag ka na kasing ismid. Alam ko, miss mo ako.

No comments:

Post a Comment