14 June 2011

Rainy Days and Mondays

always make me cry...


Noon yun.

Hindi na ngayon.

Hindi dahil wala ng rainy days

o Mondays

Kundi dahil sa tinagal-tagal ng panahon

narealize ko

wala naman palang dahilan upang umiyak..


Sayang din naman ang luha.

Nakakapamaga ng mga mata

Nakakadagdag kulubot.

Nakakawala ng poise

Nakakabadtrip

Nakakatamad

Nakakainis

Nakakagutom.


Maraming taon rin ang aking ginugol

sa pagluha  ng walang dahilan

ng walang katuturan

ng walang pamantayan

ng walang anuman.


Ngunit sa paglipas ng panahon

nabatid ko rin sa wakas

na hindi naman pala dapat iniiyakan

ang

bumangon

ng maaga,

magsaing,

maglaba

kapag Lunes at umuulan.

*
*
*
*
*


Ma- Oh-eyng umaga at malamig na panahon sa inyong tanan!









1 comment:

  1. ngayon alam ko na din lanie na hindi pala dapat iyakan ang pritong isda na ninakaw ng pusa hays...

    ReplyDelete