18 February 2011

Pagkaklaro

Ok, actually hindi naman talaga ako writer o professional blogger eh (kung yan ang ini-expect ninyo).
Wala kayong mapapala sa akin kung ganyan kayong mag-isip.

Baguhan lang ako sa larangang ito. (Char at kina-career talaga)

Mas mainam kasi ang ganito kaysa diary o journal o slam book at kung kung anu-ano pang kaechusan ever na pagsusulatan. Alam ko na rin kasi, pag makikita ng iba ang diary ko, nanaisin din nilang mabasa ito.

So dito, sa pagba-blog, ako na mismo ang mag-iimbita sa ibang basahin ang lahat ng may kinalaman sa buhay ko. Mangialam kayo, bahala kayo. Ay dun ker.

At dahil baguhan, siyempre, nangongopya pa rin lang. Haha. Weh, di nga?

Sige na nga.

Magbasa ka na.

Nahihiya na ako eh.

Peru kasi minsan kailangan rin ang pakapalan.

Hindi ng mukha. Ganda ko kaya. (Lol!)

Ng kalyo sa kamay.

Sa kakabura ng mga pinagtitipa kong letra upang makabuo lang ng isang pangungusap.

Isang milyong tipa + Isang milyong bura = Walang natira

kaya minsan

copy + paste = publish na lang.

Di bale

darating ang araw

maabot ko rin ang 10,000 visitors

kapag naka 10 million visitors na ang iba

sa loob ng 10 years

Hay.

Ok na toh.

Dalasan mo na lang pagbisita dito.

Ok.

1 comment: