Dahil sa mga pangyayaring ito na naganap kamakailan lang,
heto ako at suspended sa trabaho.
Since every body has a first time- jez first time ko poh, in fairness.
Pero kahit papano, marami din akong natutunan sa mga pangyayaring iyon sa buhay ko. (drama mode)
Katulad na lang halimbawa ng mga sumusunod:
1. Hindi dapat magtiwala ng basta-basta lang.
Alamin kung sino ang dapat pagkatiwalaan.Lalo na ang mga taong may mga reputasyong hindi kanais-nais.
2. Huwag basta pipirma ng dokumento nang hindi binibasa at nire-review.
Ito ang epekto ng labis na pagtitiwala. Kaya dapat rebyuhin at intindihin muna ang mga bagay- bagay bago ito kumpirmahin. Huwag basta pirma lang ng pirma basta may pinapipirmahan. Baka hindi mo mamalayan, binibenta na pala kaluluwa mo.
3. Huwag magpaka-hero.
Huwag isipin ang kapakanan ng iba kung kapakanan mo naman ang mababahala. Hayaan mo silang dumiskarte sa buhay nila. Hindi ka rin naman sure kung iniisip din nila kapakanan mo noh!
4. Huwag mag-explain ng napakahaba kung alam mo namang hindi yan iku-consider.
Tama na ang limang pangungusap na may tiglilimang salita. Magpupuyat ka lang sa kaka-type kung hahabaan mo pa. Huwag ng mag-effort.
5. Humingi ng paumanhin.
Agad-agad. Kahit hindi mo naman talaga kasalanan. Huwag ng hintaying pumuti ang uwak, hindi talaga mangyayari yun! Simpleng sorry ay okay na, huwag naman yung masyadong drama effect baka akalain nila, may kasalanan ka talaga.
6. Kapag sinuspindi ka ng isang araw, pakiusapan ang boss na gawing isang linggo.
Para naman sulit ang baksyon mo. Tapoz magtrip to Hongkong ka. Huwag magmumukmok sa bahay. Wala kang mapapala nyan.
7. Huwag batiin ang taong siyang dahilan kung bakit ka nasuspindi.
Buong taon, huwag na huwag mong kausapin. At never mong batiin kahit magkabungguan pa kayo. Hayaan mo syang makonsensya ano! Hmpht!
8. Huwag ma-depressed.
Never mag-iiyak. Stay poised pa rin. Huwag alalahaning pagtawanan ka ng mga kakilala at kasamahan sa trabaho. Isipin mo, may araw din silang matutulad sa'yo.
Ayos ba?
Hehe.
Peru kasi wala naman akong pang-trip sa Hongkong eh nagpi-facebook na lang ako buong araw
Siyempre pa, nag-a-update ng blog ko.
Dami ko kayang nagawa!
Nakakatawa nga eh,
........................................................................
nung kinausap ako ng Tsirman:
Tsirman: Lanie, suspended ka bukas na bukas, ok?
Me: Po? Sige po, Sabado naman po bukas. Ilang araw po ba akong suspended?
Tsirman: Isang araw lang.
Me: Ey sir, pwede po ba i-one month po. Pupunta po kasi akong Amerika eii. Baka di agad ako makabalik. (eyes blinking)
Tsirman: Hindi pwede. Pag di ka sumunod. Isususpended kita buong taon!
Me: Talaga po? Ang bait nyu po naman! Salamat po hah, so paano po, magkikita na lang po tayo next year!
Tsirman: Huh??
........................................................................
Yun nga.
So hindi ako pumasok ng Sabado. Suspended nga raw.
Ay naku, eh di natulog ako buong araw ng Sabado!
Tapos ng kinagabihan... naisipan kong tingnan yung memo ng GM inipit ko lang sa laptop ko.
Ayun, nung nabasa ko.. sa Lunes pa pala i-effect suspension ko!
Hahahaha- kakatuwa!
Kaya yun- ang nangyayari
suspended ako ni Tsirman ng Sabado
at ni GM ng Lunes.
Yung isang araw lang dapat-
nagiging dadalawa na-
Haha- ang saya talaga pag tatanga-tanga!
Lagot na naman ako nito.
Pag nagkataon baka totohanan na ang lifetime suspension ko..
Huwag naman sana
kasi
kahit anong gawin ko
wala talagang gamot sa TANGA!
Showing posts with label joke. Show all posts
Showing posts with label joke. Show all posts
06 February 2011
05 February 2011
"My Amnesia Girl"
PICK-UP LINES
Reference: http://www.youtube.com/watch?v=7Qcq9PG9mrA
Apollo: Magdala ka ng salbabida.
Irene: Bakit? Maliligo ba tayo?
Apollo: Hindi, baka malunod ka sa pagmamahal ko.
__________________________________
Irene: Sino ako?
Apollo: Ikaw si Irene ko. Ikaw ang mapapangasawa ko. Photographer ka.
Irene: Mali. Pulis ako. Ikaw kasi ang most wanted ko.
__________________________________
Irene: Para kang teleserye…. kasi nakakadik kang subaybayan.
Apollo: Para kang pelikula…. kasi ang sarap mong panoorin.
__________________________________
"Apollo: Lumiliit ka ata ?.
Irene: Huh?
Apollo: Kasi dati nasa isip lang kita, ngayon nasa puso na kita!"
__________________________________
"Sa araw ng birthday mo may dalawang tao kang mamimiss ung mahal mo at ung taong pinaka ayaw mo"
__________________________________
"Ipikit mo ang mga mata mo. Kasi sabi nila, kapag nakapikit ka, dun mo malalaman ang totoo mong
nararamdaman."
__________________________________
"Kung pwede lang mawala lahat ng kasalan sa pamamagitan ng yakap, habang buhay kitang yayakapin."
__________________________________
"Kung ikakasal ka saan mo gusto? Ako kasi sa tabi mo."
__________________________________
"Kung may uulitin ako sa buhay ko, gusto kong ulitin yung araw na nakilala kita. Kahit paulit-ulit. Kahit araw-araw."
__________________________________
"Alam mo, para kang tae… Hindi kasi kita kayang paglaruan."
__________________________________
"Ihi ka ba? …Hindi kasi kita matiis eh."
__________________________________
"Para kang alak… ang lakas ng tama mo sa akin."
__________________________________
Apollo: Tumatangkad ka ba?
Irene: Hindi, bakit?
Apollo: Kasi dati hanggang balikat lang kita, ngayon nasa isip na kita.
__________________________________
Apollo: Bakit ba hinahanap ang isang tao?
Peachy: Kasi gusto mo siya?
Apollo: Hindi, kasi nawawala.
Irene: Bakit? Nawawala ba ‘ko?
Apollo: Hindi, pero hindi ka kasi mawala sa isip ko eh.
__________________________________
Apollo: Bakit mo ba hinihintay ang isang tao?
Irene: Kasi takas sa bilibid?
Apollo: Hindi, kasi gusto mo siya.
__________________________________
Irene: Mahal kita.
Apollo: Sana pirated CD ka nalang para paulit-ulit mong sabihin ‘yan.
Irene: Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita.
__________________________________
"Pustiso ka ba, kasi I can't smile without you"
__________________________________
"Apollo: Nasan ka kagabi?
Irene: Nandito lang ako ah!
Apollo: Kaya pala wala ka sa panaginip ko"
__________________________________
03 February 2011
Mga Istoryang Kataw-anan!
________________________________________
WARNING!
This website will not be held liable for
any smiles that may cracked while
reading the following jokes.
_______________________________________
PROCEED
________________________________________________________________
BOY: Miss, hulaan kita gusto mo?
GIRL: Oo ba ...
BOY: Single ka noh?
GIRL: Ang galing mo ha! pano mo nalaman?
BOY: Ang pangit mo kaya! Duh
___________________________________________________
Dad : “Hija, sa amin lang ng mom mo, kelangan religious boyfriend mo…”
Girl: “Naku dad! sobrang religious yun!”
Dad: “E nasan sya? Pakilala mo na sa amin”
Girl: “Mamaya na dad. Nagmimisa pa…”
___________________________________________________
Student 1: Nakainis yung P.E. teacher namin, binobosohan ba naman ako!
Student 2: Ha, paano?
Student 1: Eh madalas pinapatambleng ako sa kalisteniks para mabosohan lang panty ko.
Peru naisahan ko na rin siya kanina..
Student 2: O bakit, anong ginawa mo?
Student 1: Di kaya ako nag-panty! Hahahaha
___________________________________________________
PO1: Bakit po K-9 ang tawag sa malalaking aso, sir?
SUPT: Siyempre pag tinawag mo silang K-10, hindi na sila aso...
PO1: Eh ano na sila?
SUPT: Maliit na pusa. K-10.
___________________________________________________
Juan: Uwi na ako at gustong gusto ko na hubarin ang panty ng misis ko!!!
Berto: Bakit, hot na hot ka na pare?
Juan: Hindi!!!! Masiyadong masikip sa akin eh!
___________________________________________________
NOON, pag maganda, ligawan mo agad..
NGAYON, pag maganda, titignan muna baka bakla.
___________________________________________________
NOON, konti lang ang lalaking guapo..
NGAYON, konting gwapo na lang ang tunay na lalaki.
___________________________________________________
...
NOON, pag gwapo babaero..
NGAYON, pati mga pangit babaero na din, minsan choosy pa! kakapal ng mukha!
___________________________________________________
NOON, hintaying bumilog ang buwan bago ikasal..
NGAYON, hintaying bumilog ang tyan, bago pakasalan..
___________________________________________________
Holadaper: Mamili ka! Wallet mo o papasabugin ko ang utak mo?!
Biktima: Ikaw na bahala. Pareho namang walang laman yan eh!
___________________________________________________
Customer: Ang linis talaga ng restaurant n'yo!
Waiter: Salamat po sir. Paano niyo nahalata?
Customer: Kasi, lahat ng pagkain n'yo lasang-sabon! Tse!
___________________________________________________
Subscribe to:
Posts (Atom)



