04 February 2011

Kalingawan ug Kalambuan

MAGROW has initiated a Poster Making Contest opened to all members of the cooperative in coherence with this year’s theme:
MAGROW: Nagkahiusang Katawhan sa Nagpadayong Kalambuan
(The theme was composed by SGD. Miguel De Vera- coop’s security guard)

Oh hah! Galing!

Here are the results:

Tsadaaang!

Ito ang pinakaunang entry na nai-submit.

Drawing by Allan Galgo


Di’ko lang maintindihan concept n’ya. Hehe,
Pero in fairness, talagang nag-effort si kuya nYan ah. AKala nya lang siguRo kaCee eii theme contest itong sinalihan nya..
Allan Galgo: Maganda naman drowing ko ah, pinagpuyatan ko nga mabuo lang ang isang puno ng saging eh. Tingnan mo, may bonus pa ngang isa-
Ako: Huh? Pinagpupuyatan mo pa pala talaga sa lagay na yan?
Allan Galgo: Ano, bakit ganyan kang makatingin? Pangit ba drowing ko?!!
Ako: Wala po akong sinabi kuya..
Allan Galgo: Anong wala? Dinig ko nga eh, sabi mo parang Kinder lang gumawa ng drowing ko. Eh ikaw, sige nga tingnan ko lang kung kaya ng powers mo ang mga flowers ko.
Ako: Ay sorry kuya, hindi po mukhang pang-kinder drowing nyu- in fairness-
Allan Galgo: Eh ano?
Ako: Parang drowing nyo lang po-
        cute!


Oy, pero may premyo din yan si kuya, baka 'kala nyu.
THIRD Prize!
Tatlong entries lang kasi, hindi na nga pinag-isipan eh-

Hahahahaha..
 ____________________________________________________

Eto naman ang isa pang entry.
Tsadang!
*
*
*



Drawing by Eddie
 
Ok din naman drowing nya.
Kaya lang simpleng konsepto,
at hindi masyadong maayos ang mga linya
Hindi consistent..
At yung pagkakahalo ng kulay ay hindi masyado nabibigyan nang magandang kombinasyon-
Kulang ng quality sa madaliang salita
At hindi man lang binigyan hustisya ang pagkaguhit ng LOGO
Anyway...
Effort acknowledged  pa rin.
Kaya Pareng Eddie, Congratulations ha!

Eddie: Anong congratulations lang? I want justice! Hindi maaaring pumapangalawa lang ako, hinding-hindi ako makakapayag!
Ako: Ahm, excuse me, Kuya Eddie-
        Hindi po kayo pumapangalawa lang.
        Pangatlo lang po talaga dapat.
        Nagkataon lang po, dalawa pala entry nung isa kaya napromote po kayo..
Eddie: Grinch!
_________________________________________
Two entries mula sa iisang tao lang..
At parehong bet ng mga lolo- este- mga Bord pala
Tie score nga sila

Napatunayan: May taste rin naman pala sila- haha-

Hetong isa:

Drawing by JB Quirante
Okay naman eto.

Ayos ang konsepto.

Magaling ang Pagkagawa. Quality 'ika nga.

At makikita mo-

-Talented ang gumawa nito.

Magaan ang kamay. Parang alam na alam ang dapat kombinasyon ng kulay.
Okay na eto-

Okay na sana- kaso lang

Nagtanong ang isang agwela:

Agwela: Iha, piko ba yang dala nya? Pinipiko na ba ngayon ang banana?


Ako: Hindi lola, martilyo lang poh yan, pamukmok sa matatanda!
Bord: Hindi naman ginagamitan ng pamukmok ang mga lola, kaya hindi ku-qualify drowing nya.
         Ilabas ang isa pa!
*
*
*
Eto oh:
Drawing by JB Quirante

OH, di ba, maganda!
Mas maayos ang pagkagawa.
At napakalinaw ng ibig sabihin ng konsepto nya.

Pero itong mga bord, nagkakagulo pa, kasi nga daw bakit may lubid pa
Para daw bagang tinatalian ang kooperatiba..

Hahaha.. (napapatula tuloy ako)

Hindi kasi nila maintindihan ang ibig sabihan ng larawang iginuguhit.

Ganito kasi yun:

*Ang malaking gusali, ay sumisimbolo ng "Pag-unlad" (paglambo, kalambuan, Progress) nang MAGROW
* Ang mga larawan ng mga taong nagtutulak pataas nang malaking logo ng MAGROW at nang mga taong naghihila ng lubid na ipinangtali sa logo ay sumisimbolo ng "Pagkakaisa" (Nagkahiusa, Unity) ng mga tao upang ang malaking logo ay mailalagay sa itaas na bahagi ng gusali


SAMAKATUWID:
Nailalarawan ng poster ang Pagkakaisa at Pagtutulungan ng mga tao upang maiangat ang MAGROW na sinisimbolo ng malaking logo upang maisaaayos sa itaas ng gusaling sumisimbolo naman ng Kaunlaran.


Eh kaso,

nag-tie nga.

# 1 at # 2

Iisang tao lang namang ang gumawa.

Tapos sabi, iku-combine na lang daw dalawang drowing.

Paano kaya yun?

: Iyong piko'ng mukhang martilyo ay nagpupukpok na ng banana sa gitna nang logo na tinaniman ng gusali may mga taong nakatali sa lubid

GANUN?

Naimajin mo rin?
______________________________________________
CONCLUSION:

The juries failed to understand the concept of the illustrations and see only the physical arrangements of the objects in the drawing.

Pa'no, baka nga wala silang alam kung ano ang tinatawag na ART.

I guess, baka ung iba sa kanila, hindi man lang maiguhit ang isang tuwid na linya!

I don't blame them in their incapacity to judge things justifiably.

I blame the situation.
Why they we're made to be juries in a Poster Making Contest?

Haller!

Dapat nagtawag tayo ng mga expert.

Kagaya halimbawa nina:

*Fernando Amorsolo
*Juan Luna
*MichaelAngelo
*Leonardo Da Vinci
*Jose Rizal

O kaya naman- Ako.

Hehehehe.

Suyah!


Bord: Bakit ba ang dami mong komento hah? Artist ka ba?

Ako: Dati po. Ka-batch ko nga si Amorsolo eh.
Bord: Sige nga, san dun bet mo?

Ako: Yung number two po.

Bord: Bakit naman?

Ako: Hehehe. Hati po kasi kami sa prize eh.
         Peace po.


_____________________________________________

WINNERS:

FIRST- JB QUIRANTE # 1 & #2
2ND- EDDIE SANDINO #3

CONSOLATION PRIZE # 4

No comments:

Post a Comment